...because you thought Sweden was Switzerland!

Wednesday, May 24, 2006

para kay Camillo

Sige, sige, papatulan ko na 'to.... Mabait ka naman sakin eh :-D Heheh. Pero wala na kong ibang ma-ta-tag na iba kundi sina Val, PJ at Carlo siguro...


Direksyon: Maglista ng sampung bagay na ikina-iirita, ikina-iinis o inaayawan at pumili ng sampung taong maglilista rin. Maging malikhain at, hanggang maaari, huwag ulitin ang sagot ng iba.

Mas nahirapan akong umisip ng mga bagay na talagang ayaw ko kaysa sa content ng survey ni Val, pero sinubukan ko parin...

1. Katabi sa siksik na bus, MRT o jeep na may mala-bayabas na amoy putok. How much worse than this can it get?
2. Conyotic talk ("Eww, like, I hate cohnyahtic tahlk pah nahman!"). Oh yes, pinaka-nakakainis yung may MAKE (plus) VERB, e.g. "She's just making pahinga right now." What the...???
3. 'Pag nanonood ng sine sa bahay, tapos hindi ko marinig yung sinasabi kasi may kumakarerang tricycle.
4. LBM sa school...
5. 'Pag nasa jeep, tapos yung lumilipad-lipad na isang-metrong habang buhok ng katabi kong ko ay halos nakakain ko na. (amoy pang binuhusan ng shampoo!)
6. Naglalakad ng may basang sapatos at medyas 'pag tag-ulan.
7. In conjunction with number 6: payong na bumaligtad sa lakas ng hangin pag may bagyo. Basa ka na nga, nakakahiya pa.
8. mga pa-cool pero hindi naman!
9. Baradong ilong o umaaligid-aligid na lamok bago matulog. Hindi tuloy ako makatulog.
10. Giant spiders. They are oh-so gross and I have a defensive impulse to chase them with bug spray until they curl up and die... Hmm, that's gross too, isn't it?

4 Comments:

Blogger camillo said...

At ilang beses ka nga nagreklamo ng basang medyas noon sa college? Haha! Salamat sa pagpatol (ang pathetic ko). :p

7:31 AM

 
Blogger pj said...

hey, sinagutan ko :)

9:02 AM

 
Blogger Ahoy! said...

oks lang yan, camillo :) Magiisip nga rin ako ng survey / gimik ko... Heheh....

11:16 AM

 
Blogger Ahoy! said...

PJ, asan ang sagot mo? hindi ko nakita sa blog mo...

11:18 AM

 

Post a Comment

<< Home

<<< Browse older posts (via sidebar list)